Sinisi ng mga empleyado: Chinita Princess pinaglaruan, mga…

3 years ago 0 Comments

Nag-trending si Kim Chiu nang niratrat ng bala ang van niya sa may Katipunan, Quezon City, at kinabukasan, maingay pa rin si Kim.

Hindi na lang tren­ding, may mga meme na tungkol sa kanya at sa nangyari.

Una, pabiro lang naman, pero gustong sisihin ng mga worker o mga working class si Kim.

Masyado naman daw itong nag-set ng standard sa mga worker. Ang mga meme ngayon, bawal mag-absent, bawal mag-leave kahit na may sakit ka pa or what.

Kung si Kim nga raw, pinaulanan na ng bala, muntik nang mamatay, aba, straight to work pa rin. So, aarte pa raw ba, e, si Kim nga?!

Pero bukod dito, meron din mga nagre-react sa u­nang Instagram post ni Kim after the shooting incident. Nagmarka sa mga nakabasa o netizens ‘yong statement ni Kim na “Sana tiningnan ninyo muna ang plate number bago ninyo paulanan ng bala ‘yong kotse ko.”

Pero hindi na mababasa ang statement na ‘yon ni Kim sa post niya. In-edit na siguro nito nang malaman o makarating sa kanya ang naging comment ng ilang netizens.

Feeling ng ilang mga nag-comment, parang okay lang daw pala na mamaril, basta siguraduhin lang na tamang plate number ng sasakyan ang pinatatamaan, huh!

Marami naman ang umunawa at umintindi kay Kim kung sa tingin man ng iba, mali ang statement niyang ‘yon. Siyempre nga naman, shocked pa ang tao sa nangyari at hindi naman talaga biro na paulanan ka ng bala ng walong beses, ‘no! (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/sinisi-ng-mga-empleyado-chinita-princess-pinaglaruan-mga-meme-nagkalat-sa-socmed.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi