Sol ‘nakalutang’ sa ere

3 years ago 0 Comments

MISTULANG nakalutang sa ere o “floating” ang estado sa kasalukuyan ng beteranong guard na si Sol Mercado matapos na iwanan sa kawalang direksyon ng napunta­han nitong Phoenix Pulse Fuel Masters.

Ito ay matapos malaman sa agent mismo ni Mercado na si Charlie Dy na tila nahulog ­bilang free agent si ­Mercado sa ­kasalukuyan nitong situwasyon.

Ipinaliwanag ni Dy na hindi nagpapakita si Mercado sa pinag­lipatang koponan base sa utos mismo ng ­pamunuan ng ­Phoenix Pulse habang kinukumpleto nito ang kanilang plano sa mga bagong kuhang player pati na sa NorthPort.

Katatapos lamang ng Phoenix na mapapirma ang dalawang bago nitong miyembro na sina Brian Heruela at Jansen Rios na binigyan nito ng tig-isang taon na kontrata para sa Fuel Masters para makapag­laro sa nalalapit na ika-45 na season ng PBA.

Si Heruela ay nakuha sa trade sa Blackwater kapalit ni Ron Dennison habang si Rios ay hindi nakakuha ng offer mula sa pumili dito na NLEX.

Si Mercado ay nakapalit naman si LA Revilla at Rey Guevarra mula sa NorthPort.

“Hindi siya pinapa-attend ng praktis dahil pinag-uusapan pa nila ang magiging composition nila,” sabi ni Dy. (Lito Oredo)

Source From:https://www.abante.com.ph/sol-nakalutang-sa-ere.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi