Naging emosyonal si Solenn Heusaff habang karga nya ang ipinagheheleng anak. Nakunan ng asawa niyang si Nico Bolzico ang emotional moment ni Solenn na dapat sana ay simpleng moment lang ng isang ina.
Pero dahil nga sa sitwasyon ng mga tao sa COVID-19, tinamaan sa kanyang puso si Solenn sa awiting “Heal The World” ni Michael Jackson.
Pinunasan ni Solenn ang mga luha niya sa mata habang karga niya ang anak at ipinaghehele nya ito sa saliw ng awiting nabanggi.
Hinalikan pa ni Solenn ang anak matapos pahiran ang luha.
Marami ang na-touch sa eksena ni Solenn pero dahil mga social media personality ang mag-asawa, pinagdudahan ang sympathy ng mga ito.
Dahil si Nico ang kumukuha ng video at sa IG niya ito ipinakita, lumalabas na gustong ipakita nito sa kanilang mga follower ang drama ng kanyang misis, para lang siguro makahakot ng maraming views at likes. (Rey Pumaloy)
Source From:https://www.abante.com.ph/solenn-heussaff-umiyak-habang-karga-ang-anak.htm