Maelya daw itong isang mambabatas pero hindi lahat ng tsiks ay kanyang natitipuhan.
Type daw kasi ng mambabatas, base sa nasagap ni Mang Teban, ay yung payat na babae.
Siyempre kailangang maganda ang tsiks para lalong ganahan ang mambabatas.
Kahit walangdyo o kulang ang hinaharap, aprub sa mambabatas basta’t mapapaligaya siya nito.
Hindi uubra sa kanya ang mga chubby, lalo pa kaya ang mga heavyweight.
May kapayatan din kasi ang mambabatas kaya’t gusto lang niyang katimbang din niya ang makapartner.
Pintahan nyo na. Ang mambabatas na mahilig sa payat na babae ay tatakbo ng ibang posisyon sa darating na halalan. May letrang S sa kanyang pangalan as in slim ang hilig.
Source From:https://www.abante.com.ph/solon-mahilig-sa-payat-na-tsiks.htm