Solon walang isang salita sa inuman

3 years ago 0 Comments

SINO raw itong mambabatas ang walang isang salita pagdating sa inuman?

Nabisto ni Mang Teban na mahilig din pala sa walwal itong mambabatas.

Nang minsan magkayayaan ang barkada, napasarap sa pag-inom ang mambabatas.

Pero nang umabot ng hatinggabi, nagpaalam na ang mga kaibigan para umuwi pero humirit ang mambabatas ng ‘one for the road’.

Ang isang bote ay nadagdagan ng isa, hanggang sa umabot sa ikalimang hirit ng ‘one for the road’.

Kaya naman nang sumakay siya sa kanyang kotse, bagsak agad ang mambabatas at hinatid na lamang ng kanyang driver sa bahay.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na walang isang salita pagda­ting sa inuman ay nagpakilalang maka-masa. May letrang P sa kanyang pangalan as in Pangakong nabali.

Source From:https://www.abante.com.ph/solon-walang-isang-salita-sa-inuman.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi