Binuweltahan ng mga netizen si Senate President Vicente “Tito” Sotto III dahil sa ginawa nitong pagbanat kay Senador Risa Hontiveros na nag-iisang bumoto kontra sa extra-power ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa tweet ni Sotto nitong Martes, 2:43 ng umaga, binanggit nito na: “Nakakalungkot isipin na kahit kailangan tulungan ang hirap na 18M Filipinos at mga Frontline health workers, meron pa rin nakuhang bumoto ng contra!”
Dahil dito, bumuhos ang komento ng mga netizen sa tweet ni Sotto, marami ang umungkat sa ginaang VIP test ng senador.
“At nakakalungkot isipin din na inagawan nyo pa ng test kits yung mas nangangailangan.” tweet ng isang netizen.
Binanggit naman ng iba na habang gumagawa ng kabutihan sa kanyang nasasakupan si Pasig City Mayor Vico Sotto, nagkakalat naman ang kanyang tiyuhin na si Senador Sotto.
“NAKAKALUNGKOT TALAGA ISIPIN NA SAME KAYO NG APELYIDO NI MAYOR.”tweet ni Aesha [email protected] Aesha.
Komento naman ng ilang netizen, walang tiwala si Hontiveros na bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Duterte kaya kumontra ito sa panukala at hindi dahil sa ayaw nitong tumulong sa mga nangangailangang mamamayan.
Source From:https://www.abante.com.ph/sotto-kinuyog-sa-pagbanat-kay-hontiveros.htm