Sotto, NPC tumukod kay Tolentino

4 years ago 0 Comments

TINUKURAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at ng Nationa­l People’s Coalition (NPC) ang kandidatura ni administration senatorial bet Atty. Francis Tolentino.

Ayon kay Sotto, malaki ang maiiambag ni Tolentino sa Senado sa oras na mahalal ito sa halalan ngayong Mayo 13.

Binanggit ng Se­nate president na sinuportahan niya ang kandidatura ni Tolentino base sa ‘outstandin­g record’ nito sa public service.

Idinagdag pa ni Sotto na ang kanyang partidong NPC ay sumusuporta din sa kandidatura ni Tolentino.

Nauna rito ay sinuportahan din ng NPC ang mga reeleksyunis­tang sina Senador Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Sonny Angara, Koko Pimentel at Bam Aquino.

Sina Senador JV Ejercito at dating Senador Lito Lapid ay mi­yembro ng NPC kaya’t awtomatiko silang manok ng partido.

Nitong Martes lamang ay inendorso rin ng Iglesia Ni Cristo ang kandidatura ni Tolentino.

Source From:https://www.abante.com.ph/sotto-npc-tumukod-kay-tolentino.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi