Sotto pinitik si Moreno: Hindi namin trabaho na mamahagi ng…

4 years ago 0 Comments

Hindi pinalagpas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pasaring ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga senador na tumulong sa panahon ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinaliwanag ni Sotto na hindi mandato ng mga senador na mamahagi ng rasyong pagkain sa mga tao.

Ang trabaho ng Senado ay ang magbalangkas at magpasa ng panukalang batas tulad ng Bayanihan to Heal As One Act na ginagamit ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipamahagi ang P200 bilyon sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

“Our duty as lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use govt funds to respond during this health crisis. We did so in 18 hrs. it’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!”tweet ni Sotto nitong Sabado, Abril 4.

Sa public address ni Moreno, hinikayat nito ang national government na magkaroon ng political ceasefire para magkaisang labanan ang nasabing virus, kasabay ng pagpitik sa 24 miyembro ng Senado.

“Asan kayo ngayon? Nasaan? Hinahanap namin kayo, kasama na ako” himutok ni Moreno.

Source From:https://www.abante.com.ph/sotto-pinitik-si-moreno-hindi-namin-trabaho-na-mamahagi-ng-pagkain-na-may-kasamang-pr-team.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi