Sotto una, dela Rosa kulelat sa pila sa Senado

4 years ago 0 Comments

NGAYONG araw ang pagsisimula ng paghahain ng panukalang batas ng mga miyembro ng Senado at una sa pila si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, habang kulelat naman ang bagong miyembro na si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa advisory ni Senate Secretary Myra Villarica, ang sequence ng paghahain ng mga bill at resolution ng 18th Congress ay ibinase sa seniority o haba ng paninilbihan sa Senado.

Sa usapin ng haba ng serbisyo, ang bunutan ay ginawa noong Hunyo 20.
Sa unang round ng filing mula Hulyo 1 hanggang 4, bawat senador ay maaaring maghain ng sampung panukalang batas o resolusyon. Sa second round sa Hulyo 8-11, parehong bilang ang maaari nilang i-file.

Sa ikatlong round, first-come, first-serve basis na ang susundin.

Unang maghahain ng panukala at resolus­yon si Sotto at susundan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. Sen. Panfilo Lacson, Sen. Francis Pangilinan at Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Sunod naman sina Senador Manuel ‘Lito’ Lapid, Pia Cayetano, Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Richard Gordon, Aquilino Pimentel III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay, Grace Poe, Sonny Angara, Cynthia Villar, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Leila de Lima, at Manny Pacquiao.

Ang huling grupo ay ang mga bagong Senador na sina Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Francis Tolentino, Imee Marcos at dela Rosa.

Source From:https://www.abante.com.ph/sotto-una-dela-rosa-kulelat-sa-pila-sa-senado.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi