SINAMPAHAN na ng kaso ang aktres sa ‘Captain America: The First Avenger’ kaugnay sa pagpatay sa kanyang ina.
Ayon sa CNN report, naaresto si Mollie Fitzgerald noong Disyembre 31 at kinasuhan ng second-degree murder.
Inakusahan si Fitzgerald ng pagpatay sa ina niyang si Patricia ‘Tee’ Fitzgerald, 68-anyos, na natagpuang patay sa bahay niya sa Olathe, Kansas noong Disyembre 20.
Nakadetine na si Fitzgerald sa Johnson County Jail.
Si Fitzgerald, 38, ang gumanap sa karakter na ‘Stark Girl’ sa 2011 Captain America film kung saan bida si Chris Evans. (IS)
Source From:https://www.abante.com.ph/stark-girl-kinasuhan-sa-pagpatay-sa-ina.htm