ANG nakababatang kapatid ng pinatay na si Dominic Sytin ang itinuturong utak ng Philippine National Police (PNP) sa pagpaslang sa negosyante matapos magsalita ang mismong gunman na nauna nang naaresto noong Marso 5.
Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, kinilala ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang mastermind na si Dennis Sytin, nakababatang kapatid ng negosyanteng si Dominic matapos ituro ng gunman na si Edgardo Luib alyas ‘Injeck’ na nadakip noong Marso 5 sa Palmridge Subdivision, Filinvest, Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong double murder.
Sinabi na naihi umamo sa matinding takot sa kanyang buhay si Luib nang dakpin sa Batangas.
Kahapon ay iniharap din sa media sa Camp Crame si Luib at ayon kay Albayalde, umamin na ito na ang nakababatang Sytin ang nag-utos sa kanya para patayin si Dominic.
“Lumalabas na merong directive itong si Mr. Dennis kay Luib to kill Dominic. That is part of his extrajudicial confession,” pahayag ni Albayalde sa press briefing kahapon.
Matatandaang si Dominic Sytin, president ng United Auctioneers Inc. (UAI) ay pinagbabaril sa loob ng Lighthouse Resort and Hotel sa Subic Freeport noong Nobyembre 28 ng nakaraang taon.
“From all indications, this high-profile murder of Dominic Lim Sytin was apparently motivated by rivalry among corporate siblings and carried out thru a gun-for-hire contract with a hitman,” pahayag pa ni Albayalde.
Ayon naman kay Chief Supt. Joel Coronel, Police Regional Office (PRO) 3 director, nag-ugat ang pamamaslang sa awayan sa negosyo ng magkapatid.
“Based on the investigation conducted by the SITG (special investigation task group), it was shown that the killing of Mr. Dominic Sytin was based on dispute or disagreement between the victim Dominic and the principal suspect Dennis. Apparently they were quarrelling over shares or control of shares over operations of the United Auctioneers International,” saad ni Coronel sa press briefing.
Nag-match ang fingerprints ni Luib sa motorsiklong ginamit na getaway vehicle matapos ang pamamaslang.
Source From:https://www.abante.com.ph/subic-bilyonaryo-pinapatay-ni-utol.htm