Sunog sa Taguig warehouse 17 oras bago naapula

3 years ago 0 Comments

Inabot ng lagpas 17 oras bago tuluyang naapula ang sunog sa isang warehouse sa Veterans Road, Barangay Bicutan, Taguig.

Miyerkoles alas-4:31 ng madaling-araw nang ideklarang fire under control ang apoy at bago magalas-10:00 ng umaga naman nang tuluyang naapula ang sunog na tumupok sa isang warehouse na may carpet at tela, damay din ang katabing warehouse na may laman namang appliances.

Nahirapan umano ang mga bombero sa pag-apula dahil bumagsak ang bubungan ng warehouse at nagkulang rin ang breathing apparatus na gamit ng mga ito, ayon kay Fire Insp. Vener Tabaniag ng Taguig Bureau

Nagsimula ang apoy pasado alas-singko Martes ng hapon na umabot sa ikatlong alarma.

Isang bombero ang nagtamo umano ng head injury at naitala ang aabot sa P12 milyong halaga ng napinsala.

Source From:https://www.abante.com.ph/sunog-sa-taguig-warehouse-17-oras-bago-naapula.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi