Sunog sumiklab sa Caloocan, 10 bahay natupok

3 years ago 0 Comments

Tinatayang sampung bahay ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa residential area sa Maypajo, Caloocan, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa nakalap na report sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimulang kumalat ang apoy sa Block 29, Barangay 35 ganap na alas-12:03 ng madaling araw.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang ala-1:11 ng madaling araw.

Masusi pa ngayong iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang napinsala.

Source From:https://www.abante.com.ph/10-bahay-nagliyab-sa-caloocan3.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi