Sunshine binantaan ang umaway sa anak

3 years ago 0 Comments

Samantha tinawag na malandi, mang-aagaw:

Umalma si Sunshine Cruz sa akusasyon ng isang basher sa kanyang anak na si Samantha, na nag-comment na nilalandi nito ang Gold Squad member na si Kyle Echarri.

Hindi napigilan ni Sunshine na i-post ang text message ng basher sa kanyang anak at paratangan itong mang-aagaw sa team-up nila ni Francine Diaz sa seryeng “Kadenang Ginto”.

Mababasa sa tweet ni Sunshine ang attachment ng text ng may account name na @mylukycine:

“Hey girl.

“Magkikita ba kayo ni Kyle Echarri bukas.

“Who’s dating Kyle right now you or Lorin.

“Kayo sisira sa career ni Kyle hahahaha. Lalandi nyo manang-mana kayo sa nanay nyo, alam nyo may ka-love team na si Kyle lagi pa rin kayo nagkikita.

“Mana ka sa nanay mo bold star malandi kayo ni Lorin.”

Nag-tweet si Sunshine at sinagot ang basher.

“Why are you attacking my daughter @samcruzm? Mag-ingat ka @myluvkycine. Kyle Echarri and my daughter are friends ONLY! Pati kami na nananahimik babastusin mo. Walang umaagaw kay Kyle.”

Humingi naman kay Sunshine ng pasensya sa kanilang comment ang mga fan ni Kyle at mga supporter ng team-up nila ni Francine.

Itinatwa nilang kapanalig nila ang nam-bash sa kanya at sa anak niyang si Samantha. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/sunshine-binantaan-ang-umaway-sa-anak.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi