Sunshine kay Chuckie Dreyfus: Walang tayo!

3 years ago 0 Comments

May kailangang sagutin o linawin ang dating “That’s Entertainment” member na si Chuckie Dreyfus nang mag-guest ito sa “Bawal Judgmen- tal” segment ng “Eat Bu- laga!” Aba, umabot daw ng 9-10 ang naging girl- friend niya at nang hilin- gan ito na magbanggit ng kahit dalawa, sina Jessa Zaragoza at Sunshine Cruz ang mga pangalang binanggit niya.

Sa case ni Sunshine, tumagal din daw sila ng mga anim na buwan at medyo matagal din ni- yang niligawan.

Sabi pa ni Chuckie, dahil matangkad si Sunshine, pinakikiusapan niya itong huwag mag-heels kapag magkasama sila. Nag-react agad ang actress sa kanyang Face- book account. Galit na galit ito sa diumano’y kasinungalingan ng dating kasamahan sa “That’s Entertainment”. Ever since, consistent si Sunshine sa pagsasa- bing ang ex-husband na si Cesar Montano at ama ng tatlong anak niya ang first and last boyfriend niya hanggang sa ikinasal siya rito. Sabi ni Sunshine pa- tungkol kay Chuckie, “In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news that’s not going to be of any help at all.

“Watch this family and friends! Nawindang ako! “I am being bom- barded since yesterday by people. I was 14-15 years old when I joined That’s Entertainment. Batang-bata! Meaning wala akong balak makip- agrelasyon dahil ang gus- to ko makakuha ng break at makatulong sa pami- lya ko. There was no US! Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo.

Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga? Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo? 10 naman pala ang naging gf mo so bakit kami pa ni Jessa na hindi mo din naman pala nag- ing gf ang binanggit mo? “A real man will never say such lies on national tv! Kina-macho mo na- man ba yan?! Lol! “For the record, my ex husband was and will always be my first bf. Wag na mag-claim ang iba dyan. Tanda na na- tin. Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!” Maraming nag-com- ment sa post ni Sunshine at halos karamihan ay tila walang paniniwala sa ginawang revelation ni Chuckie on national television. Marami rin ang tumawag dito na “ungentleman” at “Da Who?” (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/sunshine-kay-chuckie-dreyfus-walang-tayo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi