Super emote na: Heart nasasabik na sa mga yakap, halik ni…

3 years ago 0 Comments

Miss na miss na nga ni Heart Evangelista-Escudero ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero. Kasalukuyang hiwalay muna ang dalawa dahil sa ECQ (enhanced community quarantine). Nasa Sorsogon si Chiz at nasa Metro Manila naman si Heart.

Kaya hindi mapigilan ni Heart na mag-emote dahil isang buwan na niyang hindi nakakasama ang mister. Nami-miss na nga ni Heart ang mga yakap at halik ng kanyang mister.

“More like “Love in the time of COVD19”. 😰Missing my husband so much. Can’t wait for you to come home @escuderochiz.

Habang nasa kanilang bahay si Heart, patuloy ang kanyang pagbigay tulong pinansyal sa ilang kababayan natin na humihiling ng tulong sa kanya via Twitter.

Nahahabag si Heart sa mga taong nawalan ng trabaho at hindi ma-afford ang mabili ang mga gamot para sa kanilang magulang, anak at kapatid.

Sa tulong din ng kanyang mga sponsor, nakapagpadala si Heart ng ilang mga pangangailangan ng mga frontliner sa Sorsogon. Kelan lang ay nagpadala siya ng mga bed foams at pillows at 500 pieces ng face shields. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/super-emote-na-heart-nasasabik-na-sa-mga-yakap-halik-ni-chiz.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi