Suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Bulacan, nagbigti

3 years ago 0 Comments

NATAGPUANG nakabitin at wala ng buhay ng kapwa bilanggo si Joselito Cortez, 48, tubong Sta. Mesa, Manila at nakati­ra sa Area D, Blk. 12, Brgy. Terona, Cavite, sa loob ng palikuran ng San Jose del Monte City Police Station sa Bulacan kahapon nang mada­ling-araw.

Matatandaan na si Cortez ang panguna­hing suspek sa pagpatay sa mag-iinang sina sina Jaymee Casabuena, 28, at dalawang anak na sina Anton Gabriel, 8 at Joaquin Mateo, 4, residente ng Blk. 32, Lot 57, Carissa Phase 2A, Brgy Kaypian, SJDM, Bulacan . Maging ang alagang aso ng mga biktima ay pinatay din ng suspek kasama ang isa pang salarin na si Wilson Nosal, 23 tubong Norzagaray, Bulacan.

Sina Cortez at Nosal ay dinakip ng mga awtoridad sa kasong robbery with multiple homicide at paglabag sa RA 8485 (Animal Welfare Act) kaugnay sa malagim ng Casabuena murder case noong Abril 5.

Nabatid sa report na nadiskubre ng inmate na si Marlon Sabonsolin y Pedida ang bangkay ni Cortez bandang alas-dos ng madaling-araw nang magtungo ito sa palikuran. Nakabitin ito sa loob ng CR ng San Jose del Monte Custodial Facility gamit ang isang electrical wire na ipinalupot sa leeg at itinali sa kisame.

Matapos matuklasan ang insidente agad namang ipinagbigay-alam sa mga duty jail guard.

Isinugod pa ng mga rumespondeng jail guard si Cortez sa district hospital sa nabanggit na lungsod subalit ideneklara din itong dead-on-arrival. ­(Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/suspek-sa-pagpatay-sa-mag-iina-sa-bulacan-nagbigti.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi