Suspetsa ng mga fan: Pagratrat kay Kim away pamilya

3 years ago 0 Comments

Nakaka-trauma talaga ang nangyari kay Kim Chiu nitong Miyerkoles ng umaga, na niratrat ang van na sinasakyan niya patungo sa taping ng “Love Thy Woman”.

At dahil sa pangyayari, hindi lamang ang mga awtoridad ang kumikilos upang alamin ang sanhi ng pamamaril sa sasakyan ng aktres, kundi maging ang mga netizen ay gumawa ng kani-kanilang imbestigasyon para alamin kung mistaken identity, napagtripan o sadya ang pangraratrat sa kotse ni Kim.

Binalikan ng mga netizen ang mga nakaraang ulat tungkol sa ano mang background ng aktres na maaring konektado sa naturang insidente.

At kung matatandaan nga ay ibinun­yag ng aktres sa press conference ng “Love Thy Woman” na somehow ay may pinaghuhugutan siya sa istorya ng kanilang serye dahil hindi lamang sila ang natatanging pamilya ng kanyang ama na si William Chiu, Jr.

Sila raw ang first family at nasa lima ang asawa ng kanyang ama, pero hindi niya naman daw ito naramdaman sa kanyang pag­laki dahil bata palang daw sila ay hiwalay na ang kanyang magulang.

Kuwento pa niya, sa mga espesyal na okasyon lang niya nakakasama ang kanyang ama. Hindi na pinalawak pa ng aktres ang detalye tungkol sa naging problema ng kanilang pamilya noon. Hanggang sa mga nabanggit lamang niya ang istoryang nabahagi sa publiko.

Pero dahil diyan, pumasok sa isip ngayon ng mga netizen na hindi kaya may kinalaman sa family problems ang insidenteng nangyari sa kanya nitong Miyerkoles?

Nanatiling kuwestyon pa rin ‘yan hangga’t wala pang malinaw na ulat mula sa mga awtoridad o mismo mula sa kanya.

Sa ngayon, patuloy ang pagbuhos ng dasal ng mga fan kay Kim na sana ay palaging ma­ging ligtas ito. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/suspetsa-ng-mga-fan-pagratrat-kay-kim-away-pamilya.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi