Madugo ang experience ni Max Collins bilang nanay ng isang batang kinidnap sa bago niyang Kapuso series na “Bihag.” Wala pang anak si Max kaya naman stressful din ang role niya sa series.
“Pero fulfilling kasi hindi mo ma-compare ang love ng isang nanay para sa isang anak. Iba talaga siya.
“Kasi ‘pag nakikita ko si Ethan (Rafael Landicho), anak ko rito, ini-imagine ko ang anak ko. May learning disability siya. Mas lalo ko na siyang iniingatan. As if para ko siyang anak.
“Ang hirap pala ng feeling na baka mawala siya sa‘yo. Baka may mangyari sa kanya. ‘Yung pressure to be the best mom, ‘yun talaga ang mahirap sa pagiging nanay I think.
“Kaya takot akong magkaanak,” pahayag ni Max sa presscon ng Kapuso series.
Ayon pa sa Kapuso actress, nadadala niya sa bahay kung minsan ang mabigat niyang role na ikinagugulat ng asawa niyang si Pancho Magno.
“Laging sinasabi ni Pancho, ‘Ang bigat mo! Ano na naman ang problema mo?’ So parang nadadala ko sa bahay.
“Tapusin ko muna ang show na ito at balik na sa normal. Ang bigat ng character ko,” saad pa niya.
Dagdag pa niya, “Lagi akong nakasimangot sa bahay! Para akong nanay! Mas ina-attack ko ‘yung responsibilities ko bilang nanay na laging natataranta,” sabi pa niya.
Naiinis nga raw sa kanya si Pacho kapag umaasta siyang nanay sa bahay.
“Sinasabi niya, ‘Ano ba ‘yan, nakasimangot ka na naman.’ Parang lagi akong depressed!” paliwanag ni Max.
Kasama ni Max sa “Bihag sina Max Herras, Jason Abalos, Sophie Albert at Neil Ryan Sese.
Source From:https://www.abante.com.ph/takot-akong-magkaanak-max.htm