Takot kumalat ang mikrobyo: Pope Francis ayaw pahalikan ang…

4 years ago 0 Comments

TINANGKANG awatin­ ni Pope Francis ang mga tao sa paghalik sa kanyang singsing dahil sa takot na maging sanhi ito ng pagkakalat ng mikrobyo.

Ito ang paliwanag ng Vatican bilang tugon sa viral video na nagpapakitang pilit na inaalis ng Santo Papa ang kanyang kamay mula sa mga nananampalataya.

Nakunan ang insidente noong Lunes, Marso 25 sa pagbisitang ginawa sa Italian hill, bayan ng Loreto kung saan ay sinalubong ito ng dose-dosenang mga parishioner.

Makikita sa video na may ilan ang yumuyuko bilang paggalang sa Santo Papa habang may iba namang humawak sa kanyang kamay at may iba namang lumapit para halikan ang kanyang singsing.­

Bagama’t nakangiti ay kitang-kita sa video si Pope Francis na paulit-ulit na iniiwas ang kanyang kamay.
“The pope told me the reason he did not allow people to kiss his ring was because of hygiene… to avoid contagion when there are long

queues of people,” ayon kay Vatican spokesman Alessandro Gisotti.

“Personally, he likes to embrace people,” dagdag nito.

Ibinahagi ang video sa online at humamig ng mahigit ng 11 milyong view sa Twitter kahapon, Marso 28.

Source From:https://www.abante.com.ph/takot-kumalat-ang-mikrobyo-pope-francis-ayaw-pahalikan-ang-singsing.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi