TANAW-BALIK: Mga pelikulang naglantad ng katakam-takam na…

4 years ago 0 Comments

SPECIAL FEATURE Ni Ruel Mendoza

It’s officially summer! Ngayong tag-init, ating balikan ang mga pumatok na Pinoy summer movies sa takilya na puwede na rin i-stream online.

Ano nga ba ang dapat hanapin sa isang summer movie? Bukod sa mga nagseseksihan na mga artistang babae’t lalake na tumatakbo, naglalambingan at pumaparada sa beach, kasama na rin ang istorya kunsaan makaka-relate ang bawat manonood mapa-drama, comedy, sexy at siyempre, may halong kilig!

Lorna, Rio, Alma nagkabugan

WAIKIKI (1980): Ang family drama na ito na dinirek ni Elwood Perez ay sumesentro sa tatlong magkakapatid na babae (Rio Locsin, Alma Moreno, Lorna Tolentino) na pinaghiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana.

Kinunan sa malaparaisong isla ng Hawaii, isa sa naging bentahe ng blockbuster hit na ito ay ang sexy beach dance number nina Rio, Alma at Lorna na mga tinaguriang mga screen goddess noong Dekada ‘80. Sinamahan pa sila ng mga walang takot na magpa-sexy na sina Ricky Belmonte, Alfie Anido at Cocoy Laurel.

Pero ang mahusay na pagganap ni Alicia Alonzo bilang ina ng tatlong bida ang siyan­g nagdala ng buong pelikula.

Dina, Azenith, Jennifer, Bambi mga palaban

TEMPTATION ISLAND (1980): Ang sexy-comedy film na ito na dinirek ni Joey Gosiengfiao ang tinaguriang “campy” dahil paboritong panoorin paulit-ulit ng mga beki ng iba’t ibang henerasyon.

Kuwento ng apat na babae na mula sa iba’t ibang social backgrounds, sumali sila sa Miss Manila Sunshine Beauty Pageant at kamalas-malasan na na-shipwreck sila sa isang isla kunsaan mas nakilala nila ang bawat isa.

Tampok dito ang mga beauty queens-turned-actresses na sina Azenith Briones (Miss Photogenic, Mutya ng Pilipinas 1975), Jennifer Cortez (Binibining Pi­lipinas-Universe 1978), Bambi Arambulo (Miss Maja Pilipinas 1977) and Dina Bonnevie (1st Runner-up, Miss Magnolia 1979). Kasama rin sina Deborah Sun, Ricky Belmonte, Domingo Sabado, Alfie Anido at Jonas Sebastian.

Nagkaroon ito ng reboot version noong 2011 pero hindi naging kasing successful ng original.

Maricel-William, Snooky-Gabby nagpauso ng rom-com

SUMMER LOVE (1981): Isa sa pinaka-romantic na pelikula ni Elwood Perez na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang pares ng teen lovers na nangyari sa isang summer season sa Taal, Batangas.

Bida rito ang loveteam nila Maricel Soriano-William Martinez at Snooky Serna-Gabby Concepcion. Pinakita ang kanilang summer adventures sa beach habang kinakanta ang “Summer Lovin” na mula sa Hollywood musical na Grease. Ang pelikulang ito nagsimula ng summer rom-coms films na ginagawa taon-taon.

Gary bininyagan ni Dina

TAG-ULAN, TAG-ARAW (1992): Isang sexy drama na dinirek ni Celso Ad Castillo na bida si Dina Bonne­vie bilang isang babaeng niloko ng kanyang boyfriend at nais takbuhan ang kanyang mga problema sa pagbakasyon sa isang malayong beach resort.

Dito niya makikilala si Gary Estrada, isang teenage boy na marami ring personal na problema pero hangad niya maha­nap ang perfect first sex experience. Si Dina nga ang sinasabing nagbinyag kay Gary, ha!

Andrew E, Ina mabenta sa mga fan

BIKINI WATCH (1995): Isang all-out comedy na dinirek ni Ben Feleo at bida ang rapper-comedian na si Andrew E. bilang isang waiter sa isang beach resort sa Subic Bay na kinalaban ang isang sindikato na gustong sirain ang ganda ng kalikasan. Kasama rin sa pelikula sina Ina Raymundo, Smokey Manaloto, Glydel Mercado, Dale Villar, Shirley Fuentes, Raffy Rodriguez, Sheilu Bharwani, Mandy Ochoa, Gino Ilustre, Roy Rodrigo at Jonas Mariano.

Diana, Francine isinangkot sa expose

BIKINI OPEN (2005): Mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, ang mockumentary na ito ay tungkol sa isang ambisyosang TV journalist (Cherry Pie Picache) na gustong gawin lahat para sa pagtaas ng ratings ng kanyang show.
Kaya binalak gawing expose’ ang buhay ng mga lalake’t babae na sumasali sa isang Bikini Open pa­geant na sina Alfred Vargas, Diana Zubiri, Francine Prieto, J.E. Sison, Nina Ricci Alagao and Rafael Rosell.

Aga, Anne naglambingan sa Boracay

WHEN LOVE BEGINS (2008): Shot in the island of Boracay, ang Jose Javier Reyes love drama na ito ay tumatalakay kina Ben (Aga Muhlach) and Mitch (Anne Curtis) na parehong naghahanap ng kanilang perfect partner sa buhay pero pareho silang takot na i-commit ang kanilang sarili sa isa’t isa.

Kasama rin sa pelikula sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Ronaldo Valdez, Dimples Romana at Rafael Rosell.

Daniel, Fabio, Akihiro nagpaulan ng abs

D’SURVIVORS (2010): Isang sexy goofball comedy ni Adolf Alix na kinunan sa Caramoan Island, kuwento ito ng isang grupo ng male models na na-survive ang pag-crash ng kanilang sinasakyan eroplano at na-stranded sila sa isang tagong isla kunsaan may isang nagtatagong killer.

Walang takot na naglantad ng kanilang killer abs sa pelikula sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Lemuel Pelayo at Rocky Salumbides. Kasama rin sina K Brosas, Evenlyn Vargas at Divine Tetay.

La Union takbuhan ng mga takas

FLOTSAM (2015): Ang indie film na ito na dinirek ni Jay Abella at kinunan sa isa sa sikat na surf town sa San Juan, La Union ay tumatalakay sa mga taong nais takasan ang kanilang mga personal na problema at pali­tan ito ng kasiyahan habang nagtatampisaw sa dagat at nagpapakitang gilas sila sa water sport na surfin­g. At puwede rin silang ma-in love ulit.

Arci, Bela, Yassi, Andi magagandang sawi sa pag-ibig

CAMP SAWI (2016): Mula sa direksyon ni Irene Villamor at kinunan sa Bantayan Island in Cebu, kuwento ito ng limang babae (Arci Muñoz, Bela Padilla, Yassi Pressman, Andi Eigenmann, Kim Molina) na nagsama-sama sa isang island resort na isang boot camp para sa mga broken-hearted. Ang kanilang camp chef at head coach na si Louie (Sam Milby) ang tutulong sa kanila na maka-move on at kapag umalis sila ng isla ay kaya na nilang harapin ang mga susunod pang pagsubok ng kanilang damdamin.

Source From:https://www.abante.com.ph/tanaw-balik-mga-pelikulang-naglantad-ng-katakam-takam-na-katawan-kalandian.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi