Taping ng mga teleserye ng Dos ipinatigil

3 years ago 0 Comments

Dalawang talent managers ang nakatsikahan ko lately. Nangumusta ako sa trabaho ng kanilang mga alaga ngayong naka-quarantine pa rin tayo dahil nga sa COVID-19 pandemic.

About two weeks ago kasi, may mga pagmi-meeting na sa ilang production units ng ABS-CBN tungkol sa pagre-resume ng kanilang mga taping na natigil nga dahil sa pandemic. Pero on-hold nga muna uli ang mga ‘yon.

Sabi ng unang talent manager na nakatsikahan ko, “Waley pa rin. Hindi nga muna tuloy ‘yung sa ABS-CBN, magpapasabi na lang daw kung kailan talaga ang resume ng taping at bago naman kasi ‘yon, mag-quarantine muna ang lahat ng kasama sa show.

“Sa GMA 7 din naman, wala pa ring pasabi.”

Si talent manager #2 naman, ganoon din daw.

“Wala pang final. Wala pang pasabi ng schedule ng mga taping,” sabi niya.

Pero may nagkuwento naman sa akin na may bagong show ang Kapuso network na nag-ask pa nga sa ibang mga talent manager na magpadala ng audition tape ang kanilang mga artista.

***

Socmed pinagkakakitaan ng mga artista

Kung may mga artistang nagbi-business na ngayon ng mga pagkain, marami naman ang busy sa paghahanap ng supplier ng essential products.

May iba na nagdi-dealer ngayon ng alcohol, alcogel, mask, glove, PPE (personal protective equipment) at kung ano-ano pang disinfectant products.

Habang wala pang kasiguraduhan ang trabaho ng karamihan sa mga artista’t singers, tama lang naman na mag-isip sila ng pagkakakitaan!

May iba namang suwerte pa rin at nakakakuha ng raket katulad ng pagpo-post ng products sa kanilang social media accounts.

Noong Mother’s Day, maraming mga artistang nanay ang nagkaroon ng raket na product postings sa kanilang social media accounts at ngayong Father’s Day naman ang padating na, marami na ring brands na nagne-negotiate sa mga aktor na tatay na para naman sa postings sa araw na ‘yon.

***

Martin, Vicky tuloy ang pagpapasaya

Mamayang gabi ay 64thepisode na ng “The Quaran-twins” online show ng Nievera twins na sina Martin at Vicky na napapanood sa Martin Nievera (Official Page) on Facebook na pumapasok ng 9:00PM at nag-e-end ng midnight.

Sabi ni Martin, habang naka-lockdown pa rin tayo, hindi raw sila titigil ng twin-sister niyang si Vicki sa pakikipagtsikahan sa Facebook Live viewers nila.

Siyempre, hanggang maaari, lahat ng mga kantang nire-request sa kanila ay pinagbibigyan ng twins. Kung hindi man nila kabisado, pinag-aaralan nila at kinakanta ng ibang araw.

Kung wala naman silang minus one, ginagawan nila ng paraan at kung minsan nga ay katulong pa nila si Marvin Querido sa paghahanda ng minus one ng mga kantang ‘yon.

And yes, alam n’yo ba na dahil sa Facebook Live nina Martin at Vicki ay marami ang ngayon lang nakakaalam na may twin-sister pala ang Concert King, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/taping-ng-mga-teleserye-ng-dos-ipinatigil.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi