Technician timbog sa ₱5.8M shabu

4 years ago 0 Comments

Kalaboso ang 32-an-yos na technician na nakumpiskahan ng P5.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Calabarzon sa seaside ng isang mall sa Pasay City Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Sarifi Uday Dumama, at naninirahan sa Globo De Oro St., Golden Mosque sa Quiapo, Manila.

Ayon kay PDEA Agent Floro Katangca­tang, alas-10:20 ng umaga nang ikasa ang ope-rasyon sa Marina Way corner Seaside Blvd., Macapagal Avenue sa nasabing lungsod.

Isa sa mga tauhan ng PDEA ang nagpanggap na bibili ng isang milyong pisong halaga­ ng droga kay Dumama at nang saktong inabot na ito ay dito na dinakma ng mga nakaantabay na mga awtoridad ang suspek.

Nakumpiska kay Dumama ang isang plastic bag at plastic container na naglalaman ng 21 pirasong transparent plastic na tinatayang nasa mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na kung saan may street value na nagkakahalaga ng P5.8 mil-yong piso.

Sinabi pa ni PDEA agent Katangcatang, may dalawang araw na silang nakatanggap ng impormasyon na may nag-aalok ng shabu sa kanilang impormante sa kanila kaya lumuwas sila sa nasabing lungsod upang isagawa ang ope­rasyon.

Nang posasan ang suspek ay todo-tanggi naman ito at sinabi niyang inutusan lamang siya at bibigyan siya ng P10,000 para maibigay ang nasabing droga.
Agad namang dinala sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna para isailalim sa interogasyon upang alamin kung sino-sino pa ang mga kasabwat nito.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek. (Armida Rico)

Source From:https://www.abante.com.ph/technician-timbog-sa-%e2%82%b15-8m-shabu.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi