NAKAKATUWANG makita ang trending topic sa social media hinggil sa Timor-Leste.
Sa 11 bansa na kasali sa SEA Games, hanggang sa Day 3 kahapon ay Timor-Leste na lang ang wala pa kahit anong kulay na medalya.
Humahataw ang host Philippines sa medal standings, siyempre pa ay walang pagsidlan sa tuwa ang Filipinos.
Pero marami ang nag-tweet ng suporta sa Timor-Leste, ang bansang 20 taon pa lang naitatatag. Tsini-cheer ng mga Pilipino ang Timor-Leste, suportado pa ang mga atleta nito.
Pinakamaliit ang delegasyon ng Timor-Leste, umabot lang sa 48 ang ipinadala na makikipag-compete sa 10 sports.
Ang mga East Timorese pa ang delegasyon na unang dumating sa Manila dalawang linggo bago ang Games. inasistehan sila ng Philippine Sports Commission sa training at accommodation.
Noong 2017 edition ng Games, naka-tatlong bronze medals ang East Timorese at tumapos ng dead-last 11th. (VE)
Source From:https://www.abante.com.ph/timor-leste-trending-kasi-wala-pang-medalya.htm