Tina-Monching, Manilyn-Janno, Sheryl-Romnick nagpakilig sa…

3 years ago 0 Comments

Hindi nagpahuli sa online reunion ang ’80s stars ng That’s Entertainment na sina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Romnick Sarmenta, Ramon Christopher, and Keempee de Leon.

Binuo nila ang mini-reunion na That’s Quarantainment para maaliw nila ang kanilang mga fan habang extended ang ECQ sa Metro Manila.

Si Janno ang nakaisip na pagsamahin niya sa online reunion ang mga dating magkaka-loveteam.

Bukod kasi sa kantahan, may bukingan at laglagan na naganap sa kanilang online reunion. Marami nga ang kinilig na makita na nagdu-duet o sabay kumanta ang kanilang mga hinahangaang love team noon.

“This quarantine has given us all a chance to re-connect with old friends. So I invited some of mine for this and they all came through!” post ni Janno via Instagram.

Kung buhay pa nga raw ang nag-create ng That’s Entertainment na si German “Kuya Germs” Moreno, tiyak na magiging proud ito sa kanyang mga anak-anakan na binubuhay pa rin ang alaala ng kanilang show lalo na panahon ng COVID-19 pandemic. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/tina-monching-manilyn-janno-sheryl-romnick-nagpakilig-sa-mga-fan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi