Tindahan inararo ng owner jeep: 1 patay, 2 sugatan

3 years ago 0 Comments

Isa ang nasawi at tatlo ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng owner type jeep ang da­lawang puwesto sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija noong Linggo nang madaling-araw.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawing si Raffy Cosme Opo at sugatan sina Crispin Almendraz Atienza, 37-anyos; Mario Ricalde Balale, 39 at Jeffrey Almero Opo, 28, pawang residente ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas.

Nabatid sa imbestigasyon na alas-2:35 nang madaling-araw patungong norte ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Posible diumanong nakaidlip ang driver at nawalan ng kontrol sa manibela kaya’t inararo ang Hernandez Spare Parts and General Merchandise at Nurvelous Guns Ammo and Sporting Goods, dahilan para malubhang masugatan ang apat.

Dinala ang mga biktima sa Good Samaritan Hospital, Gapan City at doon binawian ng buhay si Opo. (Jojo De Guzman)

Source From:https://www.abante.com.ph/tindahan-inararo-ng-owner-jeep-1-patay-2-sugatan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi