Tingin sa bola lechon, adobo

3 years ago 0 Comments

DIK sa bola kahit nu’ng bata pa si Fortunato Gan Co, Jr. o mas kilala bilang si Atoy Co at ‘Fortune Cookie’.

Katunayan, kapag nakakahawak ito ng bola, para na daw siyang nakakain ng lechon at adobo.

“Nu’ng bata ako mahilig na ako sa bola, maliit o malaki nilalaro ko. ‘Pag hawak ko na ‘yung bola ang saya ko. Para akong kumakain ng lechon at adobo,” tanaw-balik ng 67-anyos na ngayong isa sa mga haligi ng Philippine basketball.

Mula sa pagiging Most Valuable Player sa unang dalawang taong paglalaro sa Mapua Cardinals sa loob ng tatlong taon at matagumpay na professional career sa PBA ay pinatunayan din ni Atoy na hindi lang siya pang-sports.

Matapos ang kanyang playing career, ipinakita din ni Co sa madla ang pagiging multi-talented sa pagpasok sa mundo ng showbiz.

Malayong-malayo sa pagiging barako sa loob ng playing court ay naging co-host si Co ng isang noontime show na Student Canteen habang madalas naman itong sidekick ng mga kilalang action star gaya ni Philip Salvador.

Taong 1998 nang sumabak naman ito sa politika nang mahalal bilang councilor ng Pasig City hanggang taong 2007 at muling naitalaga noong taong 2010.

Ngunit dahil parte na ng buhay ni Co ang basketball ay muli itong nagbalik sa hard court hindi bilang player kundi isang coach ng Mapua Cardinals mula 2012 hanggang 2018.

Bago rito, naging coach na rin noon si Co sa Crispa 400 Team ng Phillippine Basketball League mula 1989-1991.

Sa kasalukyan, naitalaga si Co nito bilang kauna-unahang commissioner ng UNTV Cup na itinatag noong 2013.

Gusto ni ‘The Fortune Cookie’ ng isang simpleng buhay sa kanyang pagreretiro kung saan nais nitong bumili ng farm.

Source From:https://www.abante.com.ph/tingin-sa-bola-lechon-adobo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi