Toni, Alex, Mariel, Matteo tinawag na mga plastik, ipokrito,…

3 years ago 0 Comments

Pansamantalang natabunan ang usapin sa kinakaharap na pandemic dulot ng COVID-19 sa naging cease and desist order ng NTC sa ABS-CBN kahapon, May 4 na ihinto na ang operation nito.

Nag-shutdown ang ABS-CBN hours ahead of it’s supposed 12 midnight shutdown. At halos lahat ng mga empleyado, mga tao sa newsroom ay naging emosyonal. Pero dahil sa limitasyon na dala ng COVID-19, wala ni isa ang makapagyakapan at makapagbigay ng physical comfort sa isa’t isa.

Ang netizens, karamihan ay galit. Karamihan ay kinukuwestiyon ang ginawang ito ng NTC at pinaniniwalaang galing din sa pinakamataas sa gobyerno.

Halos lahat ng artista, hindi lamang mga Kapamilya, maging ang mga Kapuso ay nag-post ng kalungkutan at suporta sa pagsa-shutdown ng ABS-CBN.

At isa sa napansin namin, hindi nakalimot ang netizens sa mga Kapamilya stars na supporters ni Pangulong Duterte. Sa kabila ng pagpu-post ng mga ito ng kalungkutan at disbelief na pinasara nga ang network, binalikan ng mga netizens ang mga ito sa pagiging DDS nila.

Ilan sa mga ito ay ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez at Matteo Gudicelli.

Sa mga post ni Alex tulad nang crying emojis at pagsasabing proud to be Kapamilya, tinawag siya ng netizen na, “Sobrang plastik mo, Alex.” “Di ba enabler ka ng Duterte regime? Tapos pro-Marcos ka pa? Kadiri.”

Gayundin sa IG post ni Toni na sinabihan ito ng netizen na, “Your President made this happen.” May mga nag-repost din ng picture nila nang makasama sila sa thanksgiving dinner sa Malacanang.

Same goes with Matteo na nag-tweet nang, “Praying for ABS-CBN” na ilan sa mga natanggap na comment mula sa netizens, “Ipokrito,” “Berdugo.” At may mga nagmura rin dito at may nagsabi rin na magdasal na lang sa Presidente niya.

Tinawag namang “balimbing” si Robin Padilla at hindi raw maintindihan ng mga netizens na noon daw suportado nito ang pagsasara ng network, ngayon, biglang kumakambyo.

May nagsabi rin na “minsan mahirap maraming salita. Buti pa, manahimik ka na lang.”

Tinawag namang “kapal,” “Tantanan mo kami,” “Plastic” si Mariel sa kanyang Twitter account nang mag-post ito nang, “Kapamilya Forever.” Pero sa kanyang IG account, dine-activate na nito ang comment section.

Sa ngayon, mukhang umpisa pa lang ng laban at walang-duda na may ilan man na natutuwa sa pagsasara ng network, napakarami ang nagpo-protesta at nagpu-post ng mga hashtags na No to ABS-CBN Shutdown, I Stand with ABS-CBN, Defend Press Freedom at Malayang Pamamahayag.

Betong depress na, iyak nang iyak sa condo

Sa loob ng halos dalawang buwan, mag-isa lang ang komedyante/host at ngayon ay novelty singer na rin na si Betong Sumaya sa kanyang condo. Ang pamilya niya ay nasa Antipolo kaya hindi nakakasama ang mga ito.

Dahil mag-isa, hindi rin maiwasan ni Betong ang mag-isip, matakot at ma-depressed. Bago raw ang ecq, nagawa na niyang i-record ang first single niya na “Nang Minahal mo ang Mahal Ko”.

Single pa rin si Betong at inamin niyang dahil mag-isa nga lang, sumasagi sa isipan niya kung meron sana siyang special someone.

“Opo, sobra, opo,” pag-amin niya.

“Lalo na ngayon, ako po kasi lahat ngayon. Luto, laba, linis, punta ng grocery. Tapos, ang pinakamahirap dito, wala lang makakuwentuhan talaga. Yung masasabi mo ang nararamdaman mo, wala kang mapag-share-an.

“Siguro, meron akong halos two weeks, mahihiga ka, halos maiiyak ka. Nami-miss ko ang family ko. Sobrang miss na miss ko talaga ang family ko. Iniisip ko na lang na sige, padaanin ko lang ang lungkot na ‘to, pero ‘wag kong tambayan. Kasi, ang hirap, e. Ang hirap po.

“At least, twice a month, nagkikita kami ng family ko, ngayon, hindi mo alam.”

Sa part na ito, naging very emotional si Betong at hindi napigilang mapaluha na. Kapag natapos na raw ang lockdown, ang mga kaibigan daw niya sa Kapuso network mga gusto niyang makita talaga.

Kahit mag-isa sa bahay at dahil alam din daw ng mga kaibigan niya na hindi siya marunong magluto kaya madalas, ang mga de-lata raw ang “kasama” niya, sobrang touched naman daw siya sa pag-alala ng mga ito.

“Ang dami ko rin pong blessing na natatanggap. Alam po kasi nila na hindi ako marunong magluto. Sa first two weeks ko na wala po akong luto kung hindi puro de-lata, may mga artista po na hindi nagdalawang isip na padalhan ako ng pagkain minsan worth one week. Gusto kong pasalamatan si Paolo Contis, si Boy 2 Quizon, Cacai Bautista, Boobay, Ma’am Susan Enriquez, Aubrey Carampel, Sheena Halili, Tita Geleen Eugenio.

“Ang dami pong nagpadala, alam niyo po yung biglang may tatawag na lang sa guard na may pagkain kang dumating. Sobra po akong nao-overwhelmed at dito po sa ganitong klase ng kagipitan mari-realized kung sino ang mga kaibigan mo.”

Source From:https://www.abante.com.ph/toni-alex-mariel-matteo-tinawag-na-mga-plastik-ipokrito-berdugo-ng-mga-kapamilya-fan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi