Trillanes, Noynoy ‘inotso’ ang pera ng China — Digong

4 years ago 0 Comments

IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit na­galit ang China sa nakalipas na administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela noong Miyerkoles nang gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya nagalit ang China sa Pilipinas noong panahon ng Aquino administration ay dahil sa iringan nila dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon sa Pangulo, ‘inotso’ nina Trillanes ang pera ng China pero hindi idinetalye kung paano nangyari ito.

Agad namang nilinaw ng Presidente na hindi niya sinabing napunta sa dating Pangulo ang pera pero ang China aniya ang nagsabi nito.
“Galit ang China sa atin ‘di ba because if their tiff with Trillanes and Noynoy. Inotso nila ‘yung Intsik diyan eh. Pera. So hindi ko sinasabi pumunta kay Noynoy but sinabi ng Intsik,” anang Pangulo.

Matatandaang kinompronta ni dating senador Juan Ponce Enrile noon si Trillanes sa plenaryo dahil sa ilang beses na biyahe sa China subalit sa halip na sabihin kung ano ang na­ging pakay ay nagalit ito at nagwalk-out sa senado.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na walang ginawa si Trillanes kundi manakot, mang-away at mang-insulto.

“Anong ginawa nila? Trillanes anong ginawa nila kung hindi manakot. Akala mo kung sinong gago. Sinong tinatakot mo? Wala puro away, insulto,” dagdag pa ng Pangulo.

Source From:https://www.abante.com.ph/trillanes-noynoy-inotso-ang-pera-ng-china-digong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi