Tumakbo ako para makatulong sa mga pasyente — Doc Willie

4 years ago 0 Comments

Nilinaw ni Doc Willie Ong na hindi siya tumakbo sa senatorial elections para magpasikat o kumabig ng pera.

Ayon kay Ong, tumakbo siya dahil gusto niyang makatulong sa mga pas­yente, lalo na ‘yung mga nangangailangan ng dialysis.

Aniya, kahit 0.01% lang ang pag-asa niyang manalo, mabuti na rin ito kaysa zero.

“Hindi ko naman ito ginagawa para manalo, magpasikat o sa pera. Ginagawa ko ‘to kasi iniisip ko ang mga pasyente ko, ‘yung mga nag-dialysis. At least meron silang 0.01% na pag-asa. Kaysa hindi ako tumakbo, e di zero na sila at wala nang pag-asa,” ayon sa pinost ni Ong sa kanyang official Facebook account.

Kumabig naman ng higit 500 komento ang post ni Ong, karamihan ay nagsasabing wagi pa rin ang doktor sa kanilang puso.

“Doc Willie Ong, Im sure God will blessed u more cuz of ur powerful beha­vior. God will ur desire to be Senator. U are gift of God to helping us to have a wonderful Doc. Willy Ong. Thank U Doc. Thanks God,” komento naman ng isang Minen Cruz.

Source From:https://www.abante.com.ph/tumakbo-ako-para-makatulong-sa-mga-pasyente-doc-willie.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi