Uban, abs ni Piolo super trending

3 years ago 0 Comments

Iba rin si Piolo Pascual, ha! Imbes na ma-turn off ang mga fan dahil sa pinost niyang close-up photo na labas na labas ang kanyang mga puting buhok, tila mas naelya-elya, o na-in love pa nang husto sa kanya ang mga fan niyang girlash, beki, ha!

“Puting buhok to cap the end of the decade,” caption sa photo na ‘yon ni Papa P, na kahit si Alessandra de Rossi ay bet na bet.

At bukod sa white hair, super trending din ang pinost niyang photo na topless siya, at kitang-kita na galit na galit naman ang kanyang abs, ha!

“Maraming salamat po sa mga nanonood sa mga video sa Youtube! Sana napasaya kayo. Dahil diyan may pa abs si Mayor! hahaha! Next year abangan niyo po may mga hinanda si Papapi para sa inyo,” kasunod na caption.

Oo nga, maraming baliw na baliw sa puting buhok at abs ni Piolo. Sabi nga nila, bagama’t nagkakaedad na ang binata, lalo naman itong gumuguwapo, o lumalakas ang sex appeal.

Parang si George Clooney nga raw ito. Na bukod sa napakaganda ng mga mata, mukha, na kahit puti na ang mga buhok, katakam-takam pa rin ang katawan.

Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/uban-abs-ni-piolo-super-trending.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi