Ubos na pondo! Cash aid sa mga OFW tinigil ng DOLE

2 years ago 0 Comments

Sinuspinde na ng Philippine Overseas Labor Offices ng Department of Labor and Employment ang pagtanggap ng aplikasyon para sa ayuda ng mga overseas Filipino workers.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na maraming mga POLOs ang lumampas na sa kanilang mga allocation para sa DOLE-AKAP, ang program na magbibigay ng $200 o P10,000 na ayuda sa mga OFW.

Ayon sa DOLE, P1.5 bilyon lamang ang budget nito para sa AKAP-OFW assistance na galing din sa Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) nito na nauna nang hininto.

Sabi ng DOE, limitado ang budget kaya 150,000 lamang sa milyong milyong OFWs ang mabibigyan ng ayuda sa ilalim ng programa.

Sakop sana sa programa ang lahat ng regular o dokumentadong OFW at mga undocumented OFW na dati ay regular o naging regular na ang mga kontrata at yung mga hindi rehistrado pa sa POEA ngunit aktibong mga miyembro ng OWWA.

Kasama rin sana ang mga Balik-Manggagawa o yung mga hindi na makabalik sa host country dahil nagka-lockdown na doon. (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/ubos-na-pondo-cash-aid-sa-mga-ofw-tinigil-ng-dole.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi