UK, Brazil, 3 pang ibang bansa inalis ang travel restriction sa mga Pinoy

3 years ago 0 Comments

MAYNILA – Lima pang bansa ang inalis na ang kanilang travel restriction sa mga Pinoy.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, kabilang dito ang Brazil, Kiribati, United Kingdom, Benin, at Chad.

Gayunpaman, kailangan pa ring sundin ng mga bibiyahe sa mga bansang ito ang medical protocols tulad ng pagkakaroon ng health insurance, pagsailalim sa institutional o home quarantine, at pagpapakita ng negatibong COVID-19 result.

Kabilang sa mga bansang maaari nang puntahan ng mga Pinoy ngunit alinsunod sa mga ipinapatupad na protocal ang Antigua and Barbuda, Bahamas, Dominican Republic, Ecuador, Haiti, Jamaica, Mexico, at Estados Unidos.

Sa Asia Pacific region naman, puwedeng bimiyahe nag mga Pinoy sa Bangladesh, Cambodia, French Polynesia, Malaysia, Maldives, Micronesia, Mongolia, Nauru, New zealand, Pakistan, Papaua New Guinea, Korea, Singapotre at Timor Leste.

Sa Europa naman, puwedeng bumiyahe sa Andorra, Azerbaijan, Belarus, Croatia, Montenegro, North Macedonia, Serbia, Turkey, at Ukraine.

At sa Middle East at Africa naman, pinapayagang bumiyahe ang mga Pinoy sa Burkina Faso, Ivory Coast, Djibouti, Egypt, Eswatini, Ethiopia, Guinea-Bissau, Iran, Kenya, Lesotho, Malawi at Mozambique.

Pinaalalahanan naman ng DFA ang publiko na maaring magbago pa rin ang travel restrictions kaya mabuting sumangguni muna sa mga airline, emahada at mga konsulada.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/08/23/20/uk-brazil-3-pang-ibang-bansa-inalis-ang-travel-restriction-sa-mga-pinoy

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi