Umaway kay Angel kinuyog

3 years ago 0 Comments

Hindi na nagi-exist ang Twitter page ng netizen na tahasang sinabihan si Angel Locsin na gamitin naman daw ang “common sense” o gamitin nito ang utak tungkol sa mass testing.

Heto nga ang tweet ng netizen na si Kevin Madali: “Ipagpalagay nating ikaw ang Pangulo Ms. Angel Locsin, tapos meron kang 110 million na tao sa bansa at lahat sila nagde-demand ng mass testing. Pero alam mo sa sarili mo na hindi kakayanin ng health care system na meron ka na gawin yun dahil limitado lang ang kaya nyung mai-test. Ano ang gagawin mo? San ka kukuha ng 110 million na test kits? We salute you for always helping the people in need in time of disaster. Pero sana kapag nagbibigay kayong mga artista ng sentiments nyo, ginagamitan nyo rin ng utak.”

Hindi malayong nag-delete muna ang nag-post dahil sa rami rin nang sumagot sa tweet niya. May ilang nagsabi rito na ito raw ang gumamit ng utak tungkol sa mass testing. Komento ng ilan, “Baka ang alam niyang mass, misa,” “Congratulations! Kasama ka na sa mass burials atbp.”

Hindi naman pinalampas ni Angel ang nagsabing gamitin niya ang utak niya at nireplayan ito na: “Ang lakas ng loob mong magsabi ng common sense eh hindi mo nga alam ang meaning ng “mass” hay. Kung may mass burial ba na gagawin, kasama ka ba sa ililibing bilang buong 110M ng population ang nilalaban mo? Hindi naman, di ba? So anong ikinagagalit mo? Kumalma ka.”

Alden, Marian kapanta-pantasya ang katawan

Maituturing na “fitspiration” talaga ngayong ECQ pagdating sa kanilang mga katawan sina Marian Rivera at Alden Richards.

Unang nag-post si Marian Rivera na sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak, one year old ang bunso na si Ziggy at hands-on wife and mommy pa, pero hindi nakakalimot sa pag-eehersisyo sa bahay.

Tinakpan nito ang mukha niya ng emoji, kaya ang talagang naka-focused ay ang kanyang maganda at seksi na katawan habang nagti-threadmill. Sa totoo lang, imposibleng kahit nag-eehersisyo at nanay na si Marian na hindi pagpantasyahan ng mga kalalakihan huh!

Si Alden na buong ningning na nag-post ang kanyang six pack abs na siguradong mas nagpainit pa sa mainit na panahon. Naalala tuloy namin ang pinaghahandaan sanang Century Tuna bods ni Alden na naudlot na at dapat ay pang-summer dahil nga sa nangyaring pandemic. Pero hindi na ipinagkait ni Alden ang katawan niyang ito na kung yung iba during ecq ay nagtatabaan, siya naman, halos perfect ang katawan ngayon.

Source From:https://www.abante.com.ph/umaway-kay-angel-kinuyog.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi