US Embassy nalusutan ni Mabilog

3 years ago 0 Comments

SINITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Uni­ted States Embassy sa Maynila dahil sa pagkapuslit palabas sa bansa ng suspected narco-poli­tician na si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Sinabi ng Pangulo na humingi ng listahan ang US Embassy sa kanya na naglalaman ng mga pa­ngalan ng mga politiko at opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga, pero nakapagtatakang napalusutan sila ni Mabilog.

Kasama aniya ang pangalan ni Mabilog sa narco-list na ibinigay nito kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa layuning huwag mabigyan ng visa ang mga Pilipinong adik.

Sa pagkakaalam ni Pangulong Duterte ay nakapuslit papuntang Amerika si Ma­bilog para makaiwas sa mga awtoridad, o kung hindi man ay sa Canada ito nagtatago sa ngayon.

“I’d like to inform the US Embassy. I thought I gave you a list noon. Kung nakalusot itong mayor na ito I’d like to ask the embassy, bakit ninyo na­bigyan ng…? Nanghingi kayo ng lista­han, ibinigay ko sa ambassador ninyo so that Filipino addicts who would go there only to destroy your country, will be denied visas,” anang Pangulo.

Source From:https://www.abante.com.ph/us-embassy-nalusutan-ni-mabilog.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi