Kahapon ng umaga ay pumanaw na ang isa sa madalas nating mapanood sa mga teleserye na gumaganap na “tatay” sa mga bidang artista noon, o ‘di kaya ay “lolo” naman sa mga batang artista ngayon.
“At exactly 9:17am, Augusto Victa, a Radio drama icon, actor, my Mom’s very dear friend and my beloved Ninong has joined his Creator. My condolences to my kinakapatid, Valen M. Victa and his siblings. Rest in Peace, Nongning.
Love you. Hug Mommy for me. Magkikita na kayo sa Heaven,” ang Facebook post ni Gina Marissa Tagasa, isang beteranang manunulat sa telebisyon at pelikula.
Gumanap siya bilang si Tatay Tomas sa “Gulong ng Palad” noon.
Nakasama rin siya sa mga pelikulang “Missing In Action” ni Chuck Norris nu’ng 1984, “Eskapo” nu’ng 1995, at “Heatseeker” nu’ng 1995.
Hindi na mabilang ang mga pelikula na ginawa niya na puro markado ang role niya. Ganun din sa telebisyon na lahat na rin yata ng role ay nagawa niya.
Base sa Wikipedia, 70 years old si Augusto Victa nitong January 19.
Source From:https://www.abante.com.ph/veteran-aktor-augusto-victa-pumanaw-na.htm