Vice takot dalawin ni Chokoleit

5 years ago 0 Comments

Sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh, at John Lapus ang ilan sa mga kaibigan na agad nagpunta sa unang gabi ng burol ni Chokoleit.

Iba’t ibang emosyon ang makikita sa kanila. Na sa simula ay parang ayaw nilang lumapit sa kabaong ni Chokoleit, lalo na si Pokwang na hindi pa man ay nangi­ngilid na agad ang mga luha.

Pero ‘yun na nga, sama-sama silang lumapit kay Chokoleit. At makikita nga na may mga minuto na nag-iiyakan sila, pero big­lang magtatawanan.

Naikuwento nga ni Vice Ganda na bago siya nagpunta ng Japan ay nag-usap, nagkita sila ni Chokoleit, at gusto nga raw nitong magpunta sa bahay niya para kumuha ng mga damit, at sapatos.

Si Chokoleit nga raw kasi, madalas na kapag nagpupunta sa bahay niya ay nangunguha ng mga damit, na kahit bago pa raw at hindi pa niya nagagamit ay kinukuha na, at wala nga raw siyang magawa.

Ganu’n nga kalalim ang samahan nilang dalawa, na kahit anong gawin ni Chokoleit kay Vice ay hinahayaan na lang niya. Kaya ang takot ngayon ni Vice Ganda ay baka tuparin pa rin ni Chokoleit ang sinabi nito sa kanya na magpupunta nga ito sa bahay niya para kumuha ng mga kailangan niyang damit, sapatos.

“Kaya ngayon, sabi ko na lang, ‘wag ka na magpakita, kung ano ang kukunin mo, basta kunin mo na lang. Kapag nawala, alam ko na, kinuha mo,” sabi ni Vice.

Catriona, Dingdong suportado ang ‘Istorya ng Pag-asa’ ni VP Leni

Pahinga muna sa “balitaktakan” dahil mas type nga ni Vice President Leni Rob­redo na pag-ukulan ng atensiyon ang proyektong “Istorya ng Pag-asa Film Festival 2019.” Mga kuwentong makabuluhan, positibo, at tumatalakay sa mga taong naging matagumpay sa kabila ng kahirapan ang sentro nito.

“Hingi lang kami ng tulong to spread the message across. Ang pinaka-main results sana na gusto namin, sana ganito na lang talaga, na hindi na ‘yung kasamaan, hindi na ‘yung away-away.

“That is also my message sa Hong Kong, na siguro kung mga good news ang pinag-uusapan natin na kayaga nito, baka mas makita natin na mas magiging united tayo. Na hindi tayo magkawatak-watak,” sabi ni VP Leni.

Ilan nga sa mga nagbigay rin ng suporta sa proyektong ito ay sina Dingdong Dantes at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na nag-imbita pa sa mga baguhang filmma­kers na sumali sa “Istorya ng Pag-asa Film Festival.”

Sa March 25 na ang deadline ng pagpapadala ng mga entries. At sa mga gustong sumali, bumisita lang sa website na istor­yangpagasa.ovp.gov.ph.

‘Doraemon’ Kapamilya na

Isa na ngang Kapa­milya si “Doraemon.” Sa trade event sa Green Sun Hotel Axon, ang robot cat, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Nobita, Shizuka, Suneo, at Takeshi ay ipinakilala bilang Kapamilya, matapos makipag-partner ang ABS-CBN Acquisitions and International Sales Distribution (ISD) division at Animation Intl. Ltd., ang kompanyang may distribution rights sa “Doraemon” franchise.

“Masaya kami dahil Kapamilya si Doraemon. Matagal na rin naming itong inaba­ngan at naniniwala kaming mahalaga ito para sa ating mga batang manonood, na matagal ring inaabangan si Do­raemon sa ABS-CBN,” sabi ni ABS-CBN Acquisitions at ISD head Macie F. Imperial.

Simula Mayo 7, masusundan na ng kabataan ang “Doraemon” sa, YeY! ng ABS-CBN TVplus. Si Doraemon ay isang robotic cat na pinadala ng mga kamag-anak ni Nobita sa malayong panahon, para gabayan at protektahan  si Nobita, na naging biktima ng bullying, gamit ang sari-saring gadget.

“We are very excited because we didn’t have Doraemon on television for a long time and ABS-CBN is one of the best channels here so we’re really looking forward to this partnership,” sabi ni Animation Intl. Ltd. General Manager Tim Kondo, who is elated to finally bring “Doraemon” to ABS-CBN via their YeY channel on ABS-CBN’s TVplus.

Source From:https://www.abante.com.ph/vice-takot-dalawin-ni-chokoleit.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi