Villar palautos, buking sa teleconferencing

3 years ago 0 Comments

Kantiyaw ang inabot ni Senador Cynthia Villar sa mga kapwa niya senador matapos nitong biglang tawagin ang kanyang staff na si “Dianne” sa hybrid session ng Senado noong Lunes.

Magsisimula na sana si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa deliberasyon sa isang panukala nang biglang tatawagin ni Villar ang kanyang staff.

“O, ano sagot dito, Dianne? Dianne! Dianne!” singit ni Villar matapos makalimutang i-mute ang mic sa kanyang laptop.

Nagulat ang mga senador sa pagtawag ni Villar kay Dianne hanggang pabirong sinabi ni Senador Sonny Angara na, “I moved that Dianne may be recognized, Mr. President.”

Sa tagpong iyon, natawa ang mga senador na kasama sa video conference. Pinayuhan naman ito ni Senate President Vicente Sotto III na i-off ang kanyang microphone.

Humingi naman ng paumanhin si Villar hanggang sa magpatuloy ang proceeding ito.

Bago ito, pansamantalang naputol ang hybrid session dahil sa technical problem kung saan nawalan ng komunikasyon ang mga senador kay Sotto na nag-preside ng sesyon. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/villar-palautos-buking-sa-teleconferencing.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi