Villavicencio: Resto king napatay ang sarili

4 years ago 0 Comments

AKSIDENTENG nabaril at napatay umano ng kilalang restaurateur na si Vicvic Villavicencio ang kanyang sari­li habang nililinis nito ang kanyang sari­ling baril, ayon sa report ng pulisya kahapon.

Si Villavicencio, 67-anyos ang may-ari ng Dad’s World Buffet, Sambo Kojin, Number 1 Barbecues, at Ogetsu Hime.

Ayon sa report ni Eastern Police District (EPD) chief, Brig. Gen.

Christopher Tambungan, nililinis ni Villa­vicencio ang kanyang baril sa loob ng kanilang bahay sa San Juan noong Lunes nang aksidenteng makalabit nito ang gatilyo ng baril at nabaril ang kanyang sarili.

Naunang sinabi ng pamilya nito na inatake sa puso ang biktima. Gayunman, base sa ginawang imbestigasyon na walang foul play na nangyari.

Isinailalim umano sa paraffin test ang anak ni Villavicencio at ang long time aide nito na kapwa negatibo sa gunpowder residue.

Ikinunsidera ng pulisya na sarado na ang kaso ni Villavicencio.

Source From:https://www.abante.com.ph/villavicencio-resto-king-napatay-ang-sarili.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi