VIRAL: Physical distancing hindi nasunod sa pamimigay ng relief goods sa Makati

2 years ago 0 Comments

MAYNILA – Nagviral sa social media ang isang video na nagpapakitang hindi naobserbahan ang physical distancing sa pamamahagi ng relief goods sa Barangay West Rembo, Makati City nitong Linggo ng umaga.

Nabahala ang isang Bayan Patroller nang makita niya paglabas ng kanilang bahay ang pagdumog ng mga residente sa pamimigay ng isang pari ng nasa 250 relief packs alas-5 ng umaga.

May lamang 5 kilong bigas at 4 na canned goods ang bawat relief pack.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Bayan Patroller, araw-araw namimigay ang pari sa lugar pero nagulat siya na wala pa ring kaayusan ang pila.

Nang dumating ang pulisya sa lugar, pinapila nang mas maayos ang mga taong umaasang maabutan ng tulong hanggang alas-8 ng umaga.

Kasalukuyang may higit 17,000 reaction at 17,000 shares na ang video na nakuhaan sa Gate 1, Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/27/20/viral-physical-distancing-hindi-nasunod-sa-pamimigay-ng-relief-goods-sa-makati

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi