Kung pagpapasabog din lang naman ang pag-uusapan, wala nang papantay kay Maggie Wilson. Kaloka nga na naghubo’t hubad talaga siya sa Instagram.
Walang patumanggang nagtalop ng damit si Maggie at wala ni isang itinira sa kanyang katawan habang nakatayo sa tabing dagat. Ang tanging nakasuot lang sa katawan niya ay ang kanyang mga tattoo.
Humamig ng maraming comment, at like ang nakaposteng nude photo ni Maggie na pinakamatapang na sa lahat ng female celebrity na nag-sexy sa social media.
Ang nasabing post ay bilang pagbabalita ni Maggie sa kanyang birth month ngayong Marso. Nagulantang ang mga supporter, kaibigan ni Maggie sa post niyang ito lalo at isang respetado at kinikilala sa mundo ng construction ang asawang si Victor Consunji.
Pero dahil parehong adventurous at beach person ang mag-asawa kaya balewala sa kanila ang ganitong nudity trip. Mukha namang wapakels ang pamilya ni Victor kaya naghubad nang todo si Maggie.
Well, lumalabas na si Maggie ang nagregalo sa mga netizen, lalo na sa mga boys, sa halip na siya ang dapat bigyan. At lumalabas din na mas palaban siya sa hubaran sa misis ni Gov. Chiz Escudero na si Heart Evangelista, ha!
Boobs ni KC ikinalat sa socmed
Gaya nang dapat asahan sunod-sunod na ang pagpapasilip ni KC Concepcion sa Instagram ng kanyang alindog na nag-umpisa nang magposte siya ng two-piece bikini niya sa veranda ng hotel sa Boracay.
Nagkalat ang boobs ni KC sa Instagram sa iba’t ibang anggulo. Umalagwa nang todo ang malalaking bundok ng aktres.
Palaban si KC sa mga paglalantad nito ng kaseksihan sa socmed kung kailan wala itong boyfriend (‘di pa confirm ang tsismis sa kanila ng Black Eyed Peas member na si Apl.de.ap).
Walang duda na malaki ang hinaharap ni KC sa namumutok nitong boobs. Positive naman lahat ang comment sa pagpapa-sexy ng dalaga.
May ilang nagsasabi na Ibang-iba talaga sa kanyang inang si Sharon Cuneta si KC, dahil sa pagiging liberated nito at confidence sa kanyang alindog.
Iwa Moto sagana sa regalo kay Lacson
Hindi lang sa pagmamahal naliligo si Iwa Moto kundi maging sa mamahaling regalo mula sa kanyang live in partner at ama ng kanyang anak na si Pampi Lacson.
Ipinangalandakan ni Iwa ang sasakyan na ibinigay sa kanya ni Pampi.
Makikita sa larawan ng post na nasa tabi ni Iwa ang pulang car na tinawag nitong lady bug.
Halos magsara ang mga mata ni Iwa sa kasiyahan at nakasulat sa caption ang pasasalamat nito sa kasintahang si Pampi.
Jed Madela nakipagtalakan sa basher
Pasaring na humingi ng paumanhin si Jed Madela sa isa niyang follower sa twitter matapos itong mag-comment sa nakaraang performance ng singer sa ASAP nitong linggo.
Hindi nagustuhan ng follower ang pagkakanta ni Jed na para sa kanya ay nagsintunado ito sa ilang nota.
@gustumogusta1, “ang pitchy”.
Hindi pinaglagpas ni Jed ang remark ng netizen kaya sinagot niya ito at sinabing ito ang kumanta ng inawit niya.
@jedmadela, “Sorry naman po. Di ako perfect. Tapos live po yan. Also, try shifting vocal placements and you’ll see ain’t easy. Kung kaya mo, good. God bless you.”
Kinuyog naman ng mga kapanalig ni Jed ang basher na nagsabing hindi madali ang natokang kanta sa kanilang idol. Isa si Jed sa madalas ma-bash lalo at nag-iisa siyang male birit singer at laging inaasahang perfect ang bawat song performance nito.
Source From:https://www.abante.com.ph/wala-nang-hiya-hiya-maggie-palaban-kay-heart-sa-hubaran.htm