Sa sitwasyon ngayon, hindi na basta nananahimik na lang ang mga artista. Karamihan sa mga ito ay nagsasalita na at nagsasabi ng pananaw, opinyon o anumang stand nila sa isyu. Aminin man o sa hindi, napakalaki rin talaga ng influence ng mga artista.
Sa pagkaka-shutdown ng ABS-CBN, hindi lamang Kapamilya, maging mga Kapuso ay nagpahayag ng saloobin o mensahe nila.
At noon pa man, hinahanapan na ng iba ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ng boses. Parang sabik na sabik ang mga fan nito kung ano ang stand niya sa ilang isyu o usapin. May mga nagsasabi na nga rito na sana ay gamitin din ang influence niya bilang isa sa pinakasikat na celebrity sa bansa.
Sa pagsasara ng ABS-CBN na masasabing home network ni Sarah, nagulat pa ang mga netizens at mga fan niya nang mag-post ito sa kanyang Twitter account ng “Praying for my ABS-CBN family.”
Obviously, hindi sanay ang fans niya at netizens na may mga post siyang ganun. Marami ang natuwa base sa nabasa naming comments. Marami ang nagsabi rin kay Sarah na ‘wag mag-aalala at siguradong magbubukas pa rin ang network.
Isa rin sa comment, “By not condemning, you have reinforced why you are one of the most respected artists in the country. I will join your prayers.”
May komento rin na, “Hi. Ako rin. Waiting for this. I am a huge fan of Sarah. Super huge fan. But it’s disappointing lang for her to be quiet. She is one of ABS-CBN’s superstars. She has large fanbase making her voice big during these times. Pero well, okay na ako dito sa post niya. Better than none.”
Yun nga lang, this time around, hindi na lang ang pakiramdam nila na palaging pananahimik lang ni Sarah ang kinukuwestiyon dito. Dahil sa pagkaka-shutdown ng network at katulad ng Mister niya na si Matteo Guidicelli na pinaniniwalaang supporter ni President Rodrigo Duterte, naba-bash na rin si Sarah.
Ipinagpapalagay ng iba na DDS na rin siya dahil sa Mister. At may nagko-comment sa tweet niya nang, “Ipagdasal mo muna na mapatawad ka ng sarili mong pamilya dahil mas pinili mo ang fanatic ng isang mamamatay tao over them.”
“Yung asawa mo din nag-pray?”
Pero sa kabila nito, mas marami ang dumepensa kay Sarah at nagpa-abot ng pagmamahal sa kanilang “Queen.” (Rose Garcia)
Source From:https://www.abante.com.ph/wala-raw-suporta-sa-dos-sarah-inakusahang-dds-na-tulad-ni-matteo.htm