Walang nadamay na Pinoy sa 7.2 quake sa PNG

4 years ago 0 Comments

By Armida Rico

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa 7.2 magnitude na lindol sa Papua New Guinea (PNG) nitong Martes nang umaga (Mayo 7).

Sa report ni Philippine Embassy Port Moresby Chargé d’Affaires Mary Grace Villamayor, tinatayang nasa 36,000 mga Pinoy ang nakabase sa PNG.
Base sa report alas-siyete nang umaga ng Martes ng lumindol ng 7.2 magnitude sa mga lungsod ng Lae at Kokopo.

Sinabi ni Villamayor na sa naturang insidente ay kaagad silang nakipag-unayan sa Pinoy Community sa PNG upang malaman kung may nadamay o nasugatan sa naturang lindol.

Wala naman aniyang inisyung tsunami warning ang USGS-linked Pacific Tsunami Warning Center.

Malakas aniya ang lindol dahil naramdaman ito sa Port Moresby, na may 250 kilometro ang layo.

Pahayag pa ni Villamayor, patuloy na nagsasagawa ng monitoring ang embahada para sa pagbibigay ng ayuda anumang sa mga nabiktimang Pinoy.

Source From:https://www.abante.com.ph/walang-nadamay-na-pinoy-sa-7-2-quake-sa-png.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi