Water level ng Angat Dam tumaas pero kritikal pa rin

4 years ago 0 Comments

UMANGAT ang water level sa Angat Dam dahil sa mga pag-ulan dulot ng Tropical Depression Egay.

Nitong alas-sais nang umaga Hunyo 30, nasukat ang water level ng Angat sa 158.64 meter, bahagyang mataas sa 157.96 meter level nitong Sabado, ayon sa Pagasa.

Sa kabila nito, mababa pa rin ito sa critical level na 160 meters.
Ang Angat Dam ang pangunahing pinagkukunan ng water supply ng Maynilad at Manila Water at simula nang bumaba ang lebel ng tubig doon ay pinatupad naman ng dalawang concessionaire ang mahabang water interruption sa mga consumer.

Si Egay ay naispatan sa layong 810 kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Norte dakong alas-tres nang madaling-araw dala ang hanging 55 kilometer per hour.

Bagama’t hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan, pinalalakas naman nito ang hanging habagat hanggang sa araw nang Martes.

Ang mga malakas na pag-ulan ay posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Source From:https://www.abante.com.ph/water-level-ng-angat-dam-tumaas-pero-kritikal-pa-rin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi