Willie Revillame sinabihang ‘gago’ ng fan

3 years ago 0 Comments

Nataranta si Willie Revillame sa naging reaksiyon ng isang Pinay na tinawaghan niya para sa show niyang ‘Wowowin.’ Sa segment na “Tutok to Win” ay tinawagan nga ng TV host ang nanalong contestant at habang ‘di nagpapakilala ay nag-utos agad si Willie na: “Sabihin mo lang, “Salamat, Shopee.”

Pero, heto nga ang naging sagot ng naturang babae: “Gago!”

At dahil doon ay talagang napasandal ang TV host sa kanyang upuan. Pero, hirit din agad niya: “‘Wag n’yo ‘kong murahin, si Willie Revillame ‘to!”

At dahil doon ay agad din namang humingi ng tawad ang caller.

“Akala ko po talaga pinagtitripan niyo ako. Sorry po! Kasi sabi niyo po kasi, araw-araw, hapon-hapon po, na huwag maniniwala agad,” sabi ng naturang babae.

Well, mula sa orihinal na P10,000 prize ay dinagdagan pa ni Willie ng P5,000 ang nagmurang caller dahil sa kanyang katuwaan.

At least, hindi napikon si Willie, dahil may katuwiran naman ang girl na mag-ingat nga naman. Pero, mali pa rin siyempre ang magsalita ng masama sa kausap mo, di ba? (SDC)

Source From:https://www.abante.com.ph/willie-revillame-sinabihang-gago-ng-fan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi