Ang ganda-gandang preso ni Yam Concepcion, ha! Ang fresh kahit walang make up. At ang saya-saya niya, kaya aliw na aliw sa kanya ang mga fan.
Nag-post nga si Yam ng mga mugshot photo niya, na mula sa teleserye nila nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos, ang Halik.
Hawak nga niya ang ‘cardboard’ na may nakalagay na ‘JADE BARTOLOME y FLORES’ violation of Art. 333 of the RPC ADULTERY.
At siyempre, nagpiyesta ang mga fan na galit na galit kay Jade. At tuwang-tuwa naman sila kay Yam.
Heto nga ang mga reaksiyon nila:
akireyoj: “hahaha bwisit ka! Hahaha. natatawa ko ang effective mo kaasar ka Jade. Crush ko pa naman si Lino @jerichorosalesofficial.”
johngil14: “@chellemarianoperez @sherylyn1207 , hayan matatahimik na kalooban nyo, nakakulong na si Jade.”
jeymefrtzabrn: “Makukulong kana pero positive kang tao.”
yamfinity: “Yung makukulong ka na pero dapat maganda pa din” pose.”
iamjopayreyes: “Ikaw lang ata yung masayang makukulong Jade hahaha.”
judyanncadorna: “[email protected]#$ mo! Napakalandi mo! Napakasinungalin mo pa! Ibigay mo yung bata! Punyetang hinayupak.”
Source From:https://www.abante.com.ph/yam-nagmaganda-sa-kulungan.htm