YouTuber nag-sorry: Daniel nairita sa ‘sweetness’ nina…

3 years ago 0 Comments

Humingi ng paumanhin ang YouTuber na si Justin Vasquez kay Daniel Padilla matapos mapansin ng marami na tila nainis ang aktor sa kanya dahil sa pakikipag-usap niya sa nakababata nitong kapatid na si Magui Ford.

Nagdaos ng 18th birthday nitong weekend ang kapatid ni Daniel at isa sa mga naimbitahan sa party ay si Justin. May mga nag-tweet nga ng video clip na nag-uusap sina Justin at Magui, habang nasa likod lang si Daniel at nakatitig sa dalawa.

Ilang beses na nag­yakapan sina ­Magui at Justin, na puwede ngang sabihin na sweet sila sa isa’t isa, at nang magpaalam na ang huli ay bumalik pa ulit ito sa dapat sana ay paalis na sa puwesto ang debutante, para lang sa photo op.

Makikita sa video na nakapameywang si Da­niel at tila hindi nito nagugustuhan ang pakiki­pagtsikahan ng YouTuber sa kapatid. Na parang gusto na niyang hilahin si Magui.

@iambeatriz26, “Huy! Grabe yung titig ng Kuya Daniel. Kalma, Daniel. Fave youtuber lang yan ni Magui.”

Ni-retweet nga ‘yon ni Justin at humihingi ng paumanhin sa naging reaksyon ni Daniel.

@JustinVasquez_, “It wasn’t my intentions to offend anybody. Sorry if that’s what came across. I’m just a simple singer/ YouTuber trying to make people happy.”

Sabi ng marami, kumbinsido silang nainis si Daniel kay Justin. Na kung hindi lang ‘yon party, baka nasapak na ng aktor ang YouTuber.

Magiging sakit ng ulo ni Daniel ang nakababatang kapatid na si Magui Ford, nga­yong isa na itong ganap na dalaga. Posibleng putaktihin ng mga manliligaw ang dalaga na ito ni Karla Estrada dahil napakaganda nito.

Well, kung ang makipag­tsikahan lang sa isang YouTuber na favorite ni Mags (tawag sa kanya), ikinairita na ni Daniel, mas lalo pa siguro sa mga nagnanais na manligaw dito.

Siguradong mas dodob­lehin ni Daniel ang pagbabantay sa kapatid. Hindi imposibleng mapaaway si Daniel dahil kay Mags. Dugo nina Robin at Rommel ang nananalaytay rito, na astigin at palaban, at matindi magprotekta ng mga babae sa pamilya nila.

Mas mabuti siguro kung payagan na lang ni Karla na mag-artista ang anak na dalaga para mas mabantayan ni Daniel.

Jay-R, Mica nag-isang dibdib sa Bora

Namutiktik ng mga artista sa Boracay ngayon dahil sa kasal nina Jay-R at Mica Javier. Nalantad sa social media ang mga artistang sina KC Concepcion, Coleen Garcia, Kylie Verzosa, Jaya, at marami pang iba.

Suwerte ang mga nasa Boracay ngayon dahil ­fiesta sila sa mga artista.

Jona nag-aaral mag-piano

Kung hindi pagku-compose ng mga kanta, maaaring gustong tugtugan ni Jona ang sarili niya sa saliw ng piano dahil nag-aaral ngayon ang aktres ng nasabing musical instrument.

Ito ang laman ng posting ni Jona sa kanyang Instagram kasama ang musical instrument teacher niya sa larawan at hawak ang isang plastic folder na may musical notes sa harap.

Ayon kay Jona, dream come true para sa kanya ang pag-aaral na ito lalo’t matagal na niyang ninanais na matutong tumugtog ng musical instrument.

Ibinalita rin ni Jona na sa unang araw pa lang ng kanyang lesson, nakakuha na siya ng mataas na grade score.

Janine kumawala na sa anino ni Lotlot

Ipinagmamalaki ni Janine Gutierrez ang pagkakaroon niya ng sariling identity na hindi nababanggit ang pangalan ng kanyang ina na si Lotlot de Leon.

“After years of ‘Uy anak ni Lotlot’ or whatever role, ‘Uy, si Lady Dragon/ si Elise OR the classic ‘Uy si ano!’, I’ve graduated (yesterday in Starbucks) ‘uy diba naiwan sya ng driver nya?’” sabi ni Janine.

Ikinaaliw ito ni Janine dahil nagmarka sa mga netizen ang kuwento niya tungkol sa insidenteng nai-tweet niya noong nakaraang linggo sa hindi sinasad­yang pang-iiwan sa kanya ng kanyang driver.

Vice, Ai Ai tinawag na balahura

Tinawag na mga “privileged” at pinasaringan ng birada sa social media sina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda ng Twitter username na Ogie Rosa o @ogie_rosa.

Binanggit nito sa kanyang tweet ang magkaibang statement nina Ai Ai at Vice sa mga isyu na sumusulpot.

“Tawag ni Ai-Ai delas Alas sa mga kritiko: nagdunung-dunungang feelingero’t feelingera.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi