Zoren Legaspi naglaba gamit ang mga paa

3 years ago 0 Comments

Gaya ng karamihan sa atin na nakakulong lang sa bahay, hindi makalabas dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba.

Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng actor. Ayon pa kay Zoren, hindi lang matuturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kung hindi dagdag exercise na rin.

“Old school laba… cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet eh malinis na!” saad ni Zoren.

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola.

“Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!”
Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye na Bilangin ang Bituin sa Langit, itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villarroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/zoren-legaspi-naglaba-gamit-ang-mga-paa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi