Zoren Legaspi napagkamalang scientist sa grocery store

3 years ago 0 Comments

Bilang ama ng kanyang tahanan, responsibilidad ni Zoren Legaspi ang pangalagaan ang kalusugan ng kanyang pamilya laban sa COVID-19.

Sa kanyang paglabas ng kanilang tahanan, tulad nang pagpunta sa supermarket, in full protective gear si Zoren para hindi siya mahawa sa virus.

“I wear clear shades to protect my eyes. People were looking at me like I’m a Bio Medical Scientist. Better to be safe than sorry!” post ni Zoren sa kanyang Instagram account.

Bukod sa pagsusuot ng protective gears, pag-uwi rin daw ng bahay ni Zoren ay hindi nito pinapasok ang kanyang sapatos at binibilad din ang kanyang mga damit na ginamit bago ilagay sa laundry.

Kilala rin kasing maselan sa kanyang katawan si Zoren at maging ang kanyang misis na si Carmina Villarroel. Kaya ginagawa nilang lahat na maging virus-free ang kanilang tahanan. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/zoren-legaspi-napagkamalang-scientist-sa-grocery-store.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi